
Kinumpirma ng Philippine Air Force na nagsalpukan ang kanilang dalawang SF260 aircraft kahapon ng 3:51 ng hapon sa Navarette St., Fernando Air Base sa Lipa City.
Ayon sa inisyal na impormasyon , nagsalpukan ang dalawang aircraft habang nagsasagawa ng training flight.
Lulan ng nasabing sasakyan ang 4 na mga piloto.
Ayon kay PAF Spokesperson Col. Alvin Jay Capinguian, nagsagawa sila ng agarang mga hakbang kasunod ng insidente kung saan nagdispatched na ito ng response teams para isecure ang lugar at magsagawa ng inisyal na assessment.










