
Target ni Filipina tennis star Alex Eala ang puwesto sa quarterfinals ng Pan Pacific Open sa Tokyo, Japan, sa pagsagupa kay Australian world No. 38 Talia Gibson ngayong Miyerkules.
Galing si Eala sa dominanteng 6-1, 6-2 panalo kontra kay Great Britain’s Mika Stojsavljevic sa Round of 32 noong Lunes.
Samantala, umusad din si Gibson matapos talunin ang kababayang si Daria Kasatkina, 6-0, 7-5.
Kapag nagwagi, makakausad si Eala sa kanyang unang quarterfinal appearance sa Asian swing ngayong taon.
Ang mananalo sa kanilang laban ay haharap sa pagitan nina third seed Diana Shnaider ng Russia at Aliaksandra Sasnovich sa quarterfinals.
-- ADVERTISEMENT --










