
Magbibigay ang tech giant na Apple ng 170,000 MacBook Neo laptops sa Department of Education (DepEd) para magamit ng mga guro, kawani at mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa.
Kinumpirma ni Apple CEO John Ternus ang kasunduan sa isinagawang quarterly financial call ng kumpanya para sa ikaapat na quarter ng 2026.
Itinuturing itong pinakamalaking institutional education deal ng Apple para sa Mac computers at pinakamalaking deployment ng kanilang budget-friendly laptop line.
Sa ilalim ng partnership, ipamamahagi ang mga laptop sa mahigit 16,400 pampublikong paaralan bilang bahagi ng DepEd Computerization Program.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, mahalagang pamumuhunan sa kinabukasan ng mga mag-aaral ang pagbibigay sa mga guro ng sapat at makabagong kagamitan.
Bukod sa laptops, makatatanggap din ang mga guro ng patuloy na suporta at professional development sa pamamagitan ng Apple Education Community, na naglalaman ng mga kagamitang panturo at lesson plans na nakaayon sa pambansang kurikulum.










