
Nasawi ang siyam na katao matapos bumagsak ang isang Learjet 60 sa isang residential area sa Palm Beach County, Florida, ilang kilometro lamang mula sa resort home ni US President Donald Trump na Mar-a-Lago.
Ayon kay Transportation Secretary Sean Duffy, patungong Bahamas ang eroplano matapos lumipad mula Austin, Texas, nang mangyari ang aksidente nitong Linggo.
Naganap ang pagbagsak sa lugar ng Cresthaven, wala pang 11 kilometro mula sa Mar-a-Lago. Nasa resort din noon si Trump, ngunit nakalipad na siya sakay ng Air Force One bago ang insidente.
Iniulat na may mga bagyo sa lugar nang mangyari ang aksidente. Iniimbestigahan na ng Federal Aviation Administration at National Transportation Safety Board ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano.










