
Ipinahayag ni US President Donald Trump na handa siyang tanggapin ang magiging resulta ng midterm elections sa Estados Unidos, kung saan inaasahang mawawalan ng kontrol ang kaniyang Republican Party sa House of Representatives.
Sa panayam sa kaniya nitong Martes, sinabi ni Trump na makikipagtulungan siya sa mga Democrat at umaasang makakahanap ng paraan upang magkasundo ang dalawang partido.
Ang pahayag ay ginawa habang nakabinbin ang resulta ng halalan na maaaring magbago sa balanse ng kapangyarihan sa Kongreso ng Estados Unidos.










