
Umabante sa quarterfinals ng 2026 Hong Kong Tennis Open si Filipina tennis star Alex Eala matapos manaig kontra Czech player na si Tereza Valentová sa iskor na 6-4, 7-6 (7), nitong Huwebes ng gabi.
Naging dikdikan ang laban na tumagal ng isang oras at 56 minuto, kung saan kinailangan ni Eala na makabawi sa ikalawang set at dumaan sa matinding tiebreak bago tuluyang maselyuhan ang panalo.
Ito rin ang unang pagkakataong tinalo ni Eala si Valentová matapos matalo sa una nilang dalawang paghaharap sa Osaka noong 2025 at sa Doha ngayong taon.
Makakaharap naman ng world number 17 na si Eala sa quarterfinals ang Croatian na si Antonia Ružić, na nagwagi kontra Chinese player na si Xin Wang, 6-3, 4-6, 6-2.










