Itinaas sa ranggong Brigadier General si PNP Public Information Office Chief Col. Allen Rae Co, kasabay ng promosyon ng 16 na iba pang opisyal ng Philippine National Police.

Batay sa memorandum na may petsang November 4, kabilang si Co sa mga opisyal na inaprubahan ang pag-akyat sa mas mataas na ranggo.

Noong May 2026, itinalaga si Co bilang acting chief ng PNP Public Information Office ng pambansang pulisya, kapalit ni Police Brigadier General Randulf Tuaño na inilipat sa Police Regional Office 6.

Kabilang din sa mga na-promote ang 11 Lieutenant Colonel na itataas sa ranggong Colonel.

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga promotion order na ipinadala sa Department of the Interior and Local Government sa pamamagitan ng Office of the Acting Executive Secretary.

-- ADVERTISEMENT --