
SENSITIBONG BALITA: Natagpuang wala nang buhay ang isang bagong silang na sanggol sa loob ng tangke ng inidoro sa banyo ng isang restaurant sa Nagcarlan, Laguna.
Natuklasan ang sanggol ng isang waitress matapos makarinig ng mahinang iyak ng bata sa loob ng banyo.
Nang buksan niya ang takip ng ceramic toilet water tank, tumambad sa kanya ang isang bagong silang na sanggol na nakalagay sa loob nito.
Agad ding binawian ng buhay ang sanggol.
Ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang insidente, na nakipag-ugnayan naman sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Municipal Health Office (MHO) para sa kaukulang aksiyon.
Sa ngayon, kasalukuyan pang sinusuri ng mga awtoridad ang mga kuha ng CCTV cameras sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng ina ng sanggol.










