Sabay-sabay na nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang opisyal ng Gabinete at mga pinuno ng ahensya sa Palasyo ng Malacañang.

Isinagawa ang mass oath-taking kasunod ng panibagong ad interim appointment na ibinaba ng Pangulo sa mga kalihim.

Kabilang sa mga nanumpa sina Executive Secretary Ralph Recto, Justice Secretary Fredderick Vida, DPWH Secretary Giovanni Lopez, DOLE Secretary Francis Tolentino, at DOH Secretary Edwin Mercado.

Muli ring nanumpa sina DENR Secretary Juan Miguel Cuna, DOT Secretary Maria Bernardita Mathay, DOTr Secretary Vivencio Dizon, DBM Secretary Kim Robert De Leon, at PhilSA Director General Gay Jane Perez.

Habang nauna nang nanumpa kahapon si DOF Secretary Frederick Go.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na kinakailangan ang re-appointment ng mga opisyal habang hindi pa sila nakukumpirma ng Commission on Appointments.