Patuloy na ipinagtatanggol ng isang Ukrainian drone unit ang lungsod ng Slovyansk sa silangang Ukraine laban sa sunod-sunod na pag-atake ng mga drone, missile at glide bomb ng Russia.

Kabilang sa yunit na tinatawag na “Peaky Blinders” sina Tetiana, 21-anyos, at ang kaniyang kasamahang si Yasha na tumutulong magbantay sa himpapawid at tumugon sa mga banta ng Russian drones.

Malawak na ang pinsala sa lungsod matapos masira ang maraming gusali, paaralan at sasakyan, habang nagsara na rin ang karamihan sa mga tindahan dahil sa patuloy na pambobomba.

Ang Slovyansk ay kabilang sa apat na lungsod na bumubuo sa pangunahing depensibong linya ng Ukraine sa Donetsk na nais mapasakamay ng Russia sa nagpapatuloy na usapang pangkapayapaan.