Inaprubahan ng House Committee on Ways and Means ang panukalang batas na magpapalawak sa access ng mga pamilyang Pilipino sa rooftop solar panels at iba pang renewable energy systems.

Ayon kay committee chairperson Miro Quimbo, papayagan ng panukala ang mga kwalipikadong konsumer na magkabit ng zero-export solar system sa kanilang mga pag-aari upang magamit ang sariling nalilikhang kuryente at mabawasan ang binibili mula sa distribution utilities.

Layunin din ng panukala na hikayatin ang lokal na paggawa at pag-assemble ng renewable energy equipment, gayundin ang pagsasanay sa mga installer at repair technician sa bansa.

Bahagi rin ito ng panukalang pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act o EPIRA.