Inaalam na ng National Grid Corporation of the Philippines ang sanhi ng problema sa kanilang transmission line sa Binga-Ambuklao KV Lines 1 and 2 na nagbunsod ng halos tatlong oras na power interruption sa buong Region 2 at ilang bahagi ng Cordilerra Administrative Region kagabi.
Nagkaroon ng partial restoration bago 6:00 pm ng gabi hanggang sa unti-unting naibalik ang supply ng kuryente ng alas 8:26 ng gabi matapos mawalan ng suplay bandang alas 5:14 ng hapon.
Humingi naman ng paumanhin ang NGCP sa hindi inaasahang pangyayari.