
Isa pang abogado ang naghain ng petisyon sa Supreme Court para ipawalang-bisa ang ruling ng Senate impeachment court na nagbago sa bilang ng botong kailangan para mahatulan si Vice President Sara Duterte.
Si Atty. Ernesto Francisco Jr. ang naghain ng 112-pahinang petition, kung saan hiniling din niya ang Status Quo Ante Order para ibalik ang dating threshold.
Ito na ang ikalawang petisyon na kumukuwestiyon sa September 23 ruling ng impeachment court.
Sa naturang ruling, ibinase ang two-thirds vote sa bilang ng mga senator-judge na legal at aktuwal na nakikilahok sa impeachment proceedings, kabilang ang mga hindi makadalo dahil sa detention, medical incapacity o iba pang legal na dahilan.










