Inatasan ng House Committee on Justice ang abogado ni Vice President Sara Duterte na si Michael Poa na dumalo sa pagdinig sa Abril 14 kaugnay ng mga reklamong impeachment laban sa bise presidente.

Layunin ng pagpapatawag kay Poa na magbigay ng testimonya hinggil sa kanyang panunungkulan bilang Chief of Staff ng kalihim ng Department of Education mula 2022 hanggang 2023, partikular sa paggamit at liquidation ng confidential funds.

Ayon sa subpoena na natanggap noong Martes, inatasan din si Poa na magsumite ng mga dokumentong isinumite ng DepEd sa Commission on Audit (COA).

Naglabas din ng subpoena ang komite para sa National Bureau of Investigation (NBI) upang ibigay ang mga rekord ng kanilang imbestigasyon kaugnay sa umano’y pagbabanta ni Duterte laban kay Ferdinand Marcos Jr., First Lady na si Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker na si Martin Romualdez.

Inanyayahan din si NBI Director na si Melvin Matibag na dumalo sa nasabing pagdinig sa Abril 14.

-- ADVERTISEMENT --