Pinangunahan ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang monitoring patrol at site visit sa loob ng area of responsibility ng Joint Task Force Malampaya.

Ito’y upang suriin ang security posture at operational readiness ng Task Force para sa pag-protekta sa Malampaya Natural Gas Power Project, isa sa mga critical energy infrastructures ng bansa sa West Philippine Sea.

Idiin ni General Brawner ang kahalagahan ng patuloy na pagbabantay at propesyonalismo ng mga tauhan sa seguridad ng offshore resources at pinuri ang dedikasyon at kahandaan ng mga personnel ng JTF Malampaya sa harap ng patuloy na hamon sa maritime security.

Ayon sa AFP, ang naturang aktibidad ay bahagi ng mas malawak na misyon ng institusyon na palakasin ang presensya sa mga strategic areas ipagtanggol ang soberanya at pagtiyak ng proteksyon ng kritikal na imprastruktura para sa national development.