Tinawag ng Armed Forces of the Philippines (AFP)na mapanlinlang ang pahayag ng China Coast Guard kaugnay sa napaulat na panibagong banggaan sa pagitan ng barko ng bansa at China sa Ayungin Shoal kaninang umaga.
Una rito, sinabi ng CCG na gumawa sila ng “control measures” laban sa resupply ship dahil pagpasok nito sa katubigan ng Ayungin Shoal na nagbunsod ng banggaan.
Binigyan diin ni AFP public affairs chief Col. Xerxes Trinidad na hindi nila kilalanin ang mapanlinlang na pahayag ng CCG.
Gayonman, hindi nagbigay ng karagdagang detalye si Trinidad kaugay sa pinakahuling misyon.