Maaaring maranasan hanggang sa susunod pang mga linggo at buwan ang mga aftershocks ng lindol kasunod ng pagyanig ng 6.9 magnitude sa Cebu City.

Ayon sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umabot na sa 795 na aftershocks ang naganap sa lugar ngunit apat lamang dito ang naramdaman dahil ang iba dito ay mahihina lamang.

Ayon kay Chief Seismological Observation and Earthquake Prediction Division Dr. Winchelle Ian Sevilla, makalipas ang 400-taon, ngayon lang gumalaw ang fault sa epicenter ng Bogo City kaya malakas ang naging pagyanig nito

Aniya, isa rin sa tinitingnang naging factor kaya maraming imprastraktura ang nasira sa lindol ay dahil sa malambot ang lupa sa lugar at ang kalidad mismo nito.

Dagdag pa ni Chief Sevilla, posibleng umabot sa 1,000 aftershocks ang mararanasan pa sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --