Pinuna ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President at Kalookan bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang AI image ni US President Donald Trump na nakadamit ng Santo Papa.
Sa kaniyang Facebook post, sinabi ng kardinal na hindi ito nakatutuwa, gamit ang iba’t ibang lenggwahe.
Bago ang kontrobersiyal na post ni Trump, nauna na siyang nagbiro na gusto rin niyang maging Santo Papa matapos tanungin kung sino ang nais niyang sumunod kay Pope Francis.
Isa si Trump sa world leaders na lumipad noon patungong Vatican City upang makiramay sa pagpanaw ng lider ng simbahang Katolika.
Sa ngayon, patuloy ang paghahanda ng College of Cardinals para sa nalalapit na conclave o pagpili ng bagong Santo Papa.
-- ADVERTISEMENT --