
Kumitil ng 19 na katao ang inilunsad na panibaging air strikes ng Israel sa Lebanon.
Base sa Health Ministry ng Lebanon, nasa sampu sa mga napaslang, kabilang ang tatlong bata at tatlong kababaiha, ang nasawi sa pag-atake na tumama sa isang bahay sa Deir Qanoun town.Pangangatawan
Ang panibagong mga pagkasawi ay naitala wala pang isang linggo matapos i-anunsiyo ng Amerika na nagkasundo ang Lebanon at Israel na palawigin pa ang ceasefire sa loob ng 45 araw habang nakatakdang ipagpatuloy ng dalawang panig ang pag-uusap simula sa Hunyo.
Sa kabila ng ceasefire extension, kapwa pa rin nagpatuloy sa palitan ng paglulunsad ng pag-atake ang Israel at Hezbollah partikular na sa may southern Lebanon.
Sa isang statement, sinabi ng health ministry ng Lebanon na maliban sa mga nasawi sa Deir Qanoun, mayroon ding tatlong katao ang nasugatan kabilang ang isang batang babae.
Mayroon ding siyam na katao ang napatay at 29 ang nasugatan sa air strikes ng Israel sa Nabatieh at Tyre districts.
Sa pinakahuling ulat ng healh ministry noong Lunes, pumalo na sa 3,000 katao ang bilang ng napatay sa Lebanon dahil sa strikes ng Israel sa kasagsagan ng labanan sa pagitan nila ng Hezbollah simula noong Marso.









