Naghain ng panukalang batas ang mga Akbayan Party-list Representatives Chel Diokno, Percy Cendaña at Dadah Kiram Ismula, kasama si Dinagat Islands Representative Kaka Bag-ao, na naglalayong itaas sa P500,000 ang taunang income tax exemption threshold, mas mataas kaysa sa P350,000 na iminungkahi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa House Bill No. 10440, layunin ng panukala na mabawasan ang pasanin sa buwis ng mga manggagawa, mapanatili ang kanilang purchasing power, at mabigyan ng mas malaking bahagi ng kanilang kita para sa pagkain, edukasyon, kalusugan, pabahay, ipon at iba pang mahahalagang gastusin.

Sinabi ni Representative Percy Cendaña na umaasa silang maipapasa ang panukala bago mag-Pasko kung ito ay masesertipikahang urgent ng pangulo, upang maipatupad ang mas mataas na income tax exemption sa pagsisimula ng susunod na taon. Nakasaad din sa panukala na maaaring piliin ng mga self-employed at professionals ang 8% tax sa kanilang gross sales o gross receipts na lalampas sa P500,000, kapalit ng umiiral na graduated income tax rates.