TUGUEGARAO CITY-Nakapagtala ng limang panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (covid-19) ang bayan ng Baggao, ngayong araw, Enero 18,2021.

Batay sa datos ng Municipal Epidemiology and Surveillance Unit (MESU) -Baggao, mula sa nasabing bilang, tatlo ay mula sa Brgy. Mocag at tig-isa sa Brgy. Hacienda Intal at San Jose.

Dahil dito, umakyat na sa 65 ang bilang ng mga aktibong kaso ng virus sa nasabing bayan.

Pito naman ang bagong naitalang nakarekober mula sa nakakahawang sakit kung saan apat dito ay mula sa Brgy. Tallang at tig-isa sa Brgy. Remus, Dalla at Barsat East.

Kaugnay nito,magsasagawa ng aggressive mass testing ang naturang bayan sa araw ng Huwebes sa mga posibleng nakasalamuha ng mga nagpositibo maging ang mga senior citizens at may mga karamdaman.

-- ADVERTISEMENT --

Ang bayan ng Baggao ay pangalawa sa may pinakamaraming aktibong kaso ng covid-19 sa buong probinsya ng Cagayan na sumunod sa lungsod ng Tuguegarao.