TUGUEGARAO CITY-Umakyat na sa 418 ang aktibong kaso ng Coronavirus disease 2019 (covid-19) sa rehiyon dos.

Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH)-R02 , mula sa nasabing bilang, 263 dito ay mula sa Isabela, 106 sa Cagayan, 28 sa Nueva Vizcaya at 20 sa Santiago City.

Mula sa bilang ng mga aktibong kaso ng covid sa rehiyon, 60 percent dito ay asymptomatic, 39 percent ang mild at 1 percent ang severe condition.

Umabot na rin sa 2,125 ang naitalang kumpirmadong kaso ng virus.

Pinakamarami rito ang probinsya ng Isabela na may 894 na kaso , 585 sa Nueva Vizcaya, 531 sa Cagayan, 106 sa Santiago City, lima sa Quirino at dalawa sa Batanes.

-- ADVERTISEMENT --

Nasa 1,672 na rin ang bilang ng mga nakarekober o gumaling habang 35 ang namatay dahil sa virus.

Samantala, 27 kumpirmadong kaso ng covid-19 ang kasalukuyang minomonitor sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) kung saan 14 dito ay mula sa Cagayan at 13 sa Isabela.

Sa Cagayan, siyam ang galing sa Tuguegarao, apat sa Enrile at isa sa Solana habang siyam naman sa Ilagan City, tatlo sa Tumauini at isa sa Roxas sa probinsya ng Isabela.

Nasa 18 suspected cases naman ang kasalukuyang minomonitor sa naturang pagamutan kung saan 11 dito ay mula sa Cagayan at pito sa Isabela.