Laglag na ang Alas Pilipinas men’s volleyball team sa AVC Challenge Cup matapos na matalo sa host Bahrain sa score 18-25, 23-25, 20-25 sa bayan ng Isa kanina lamang.

Sumandal ang Alas sa kanilang mga beteranong players na sina Jau Umandal, Marck Espejo, and Kim Malabunga, subalit nabigo pa rin sila sa nasabing laro.

Matapos na matalo sa opening frame sa Bahrain, tumulong ang veteran trio sa koponan ng bansa para sa toe-to-toe sa second set matapos na magawang maitabla ni Umandal ang set sa 21-all matapos ang block kay Mohammad Abdulia bago mai-set point ni Hashem Ali Sayed ang kanyang squad.

Dinomina ng Bahrain ang third frame matapos ang finishing touches nina Hasan Haider, Abdulia, at Sayed sa pagpasok sa Final Eight kasama ang China sa Pool A bago makaharap ang top seed ng grupo bukas, oras sa Pilipinas.

Pinangunahan ni Umandal ang Alas na may nine points, habang sina Malabunga at Espejo ay nakapagtala ng tig-walong puntos.

-- ADVERTISEMENT --