Kumpisyansa ang ALAS Pilipinas na magpapatuloy ang kanilang magandang laro matapos na ma-sweep ang Pool A ng 2024 AVC Challenge Cup for Women.

Ito ay matapos na talunin nila ang Chinese Taipei 25-13, 25-21 at 25-18 sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Stadium.

Nanguna sa panalo ng Alas sina Eya Laure at dating Ateneo standouts Vanie Gandler at Faith Nisperos.

Sa nagdaan apat na araw ay magkakasunod na nagwagi ang Alas Pilipinas na ang unang tinalo nila ay ang Australia, India at Iran.

Ang ALAS Pilipinas ay siyang unang national federation 63-taon sa kasaysayan na umabot sa AVC-sanctioned semifinals.

-- ADVERTISEMENT --

Susunod na makakaharap nila ang Number 2-seed na Kazakhstan sa Pool B na ang laro ay gaganapin sa araw ng Martes.

Ipinagmamalaki naman ng kanilang coach na si Jorge Souza De Brito sa kanyang players dahil sa nakamit nila na makasaysayan na semifinal ticket sa kabila ng kakulangan sa preparasyon.

Samantala, nakagpagbigay ng 22 points si Kazakhstan captain Sana Anarkulova sa kanilang panalo sa Hongkong, 25-17, 25-18, 25-4, at nakuha ang huling semifinal ticket sa Pool B para sa do-or-die match laban sa Alas Pilipinas kahapon.