
Ikinatuwa ni Filipina tennis star Alex Eala ang paghahambing sa kanya kay boxing legend Manny Pacquiao, ngunit sinabi niyang malayo pa siya sa antas ng tagumpay ng pambansang kamao.
Ayon kay Eala, malaki ang naging ambag ni Pacquiao sa mga atletang Pilipino at naging inspirasyon ito sa bansa tuwing lumalaban.
Sinabi rin ni Eala na bagama’t pareho silang nagbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na magsama-sama at suportahan ang isang atleta, magkaiba pa rin ang kanilang mga paglalakbay.
Sa kabila nito, nananatiling mapagkumbaba si Eala at aminadong marami pa siyang kailangang marating bago maabot ang antas ng sporting greatness ni Pacquiao.
-- ADVERTISEMENT --









