
Tinalo ni Alex Eala si Dayana Yastremska ng Ukraine, 7-5, 4-6, 7-5, para umusad sa Indian Wells Open round 32 sa harap ng masiglang Filipino-dominated crowd sa California.
Nasa match point si Yastremska, 5-4, matapos na blangkohin si Eala sa ninth game ng decider.
Subalit hindi bumigay si Eala at dinomina ang World No. 52 Ukrainian sa sumunod na dalawang games.
Nanguna si Yastremska sa final game, 30-15, bago naitala ni Eala ang four match points, subalit nagawa ng kanyang kalaban na magkaroon ng tiebreak, kung saan hawak niya advantage.
Nakumpleto ni World No. 2 Eala ang third-set nang magkaroon ng mga pagkakamali si Yastremska.
-- ADVERTISEMENT --
Natapos ang laro ng dalawa sa loob ng dalawang oras at 43 minuto.










