Magpapatuloy si Alex Eala sa ikatlong round ng Miami Open matapos talunin si Laura Siegemund ng Germany, 6-7 (6), 6-3, 6-3, sa loob ng tatlong oras at 20 minuto.

Nakabangon si Eala mula sa pagkatalo sa unang set at nagpakita ng tibay upang maibalik ang sigla sa laban.

Nasayang ang 3-0 lead at apat na set points si Alex Eala sa mahabang opening set, kasama na ang isa sa 6-5 sa tiebreak, pero nakabangon siya at nanalo sa laban kontra kay Siegemund.

Si Alex Eala ay nanguna sa 5-2 sa deciding third set, ngunit bumalik si Siegemund at nakapag-save ng dalawang match points upang bawasan ang lamang sa 5-3.

Ang panalo ni Eala ay magbibigay sa posibleng laban nito sa No. 2 sweed na si Iga Swiatek, na kanyang unang tinalo sa kanyang breakthrough run sa Miami nitong nakalipas na taon bilang qualifier.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay seeded No. 31 si Eala at nakatanggap ng bye sa Round of 64 matapos ang mabungang taon na nagdala sa kanya sa career-high No. 29 sa WTA rankings.

Sunod na makakaharap ni Eala sa susunod na round ang mananalo sa pagitan nina Swiatek at Magda Linette.