Umusad na sa quarterfinals ng Bad Homburg Open doubles tournament ang tambalang Alex Eala at Venus Williams matapos talunin sina Catherine Harrison at Alexandra Osborne, 6-3, 6-4, sa Round of 16.

Maganda ang naging simula ng dalawa at agad na nakaagwat ng 4-0 sa unang set.

Sa second set, naghabol ang kanilang mga kalaban ngunit nakabawi sina Eala at Williams sa huling bahagi ng laban upang tuluyang makuha ang panalo, kung saan tinapos ni Williams ang laban sa kanyang serve.

Sa quarterfinals, haharapin ng Eala–Williams tandem ang second-seeded pair na sina Tereza Mihalikova at Olivia Nicholls.

Si Eala, na ngayo’y nasa world No. 30 sa WTA rankings, ay patuloy na naghahanda para sa Wimbledon matapos maagang ma-out sa singles event sa parehong torneo.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, si Williams, 46, ay patuloy ding naghahanda para sa Wimbledon doubles kung saan inaasahan ding lalahok ang kanyang kapatid na si Serena Williams.