Plano umano ni Alice Guo na tumakbo bilang alkalde muli ng Bamban, Tarlac sa 20205 midterm elections.

Ayon kay Atty. Stephen David, abogado ni Guo, ang plano ng kanyang kliyente ay matapos na sabihin ng Commission on Elections (Comelec) na wala itong karapatan na kanselahin ang certificate of candidacy ni Alice.

Sinabi ni David, hayaan na ang mga botante ng Bamban ang magpapasiya kung gusto pa nila si Guo na maging mayor ng kanilang bayan.

Tinanggal ng Ombudsman si Guo bilang alkalde ng Bamban matapos na siya ay kasuhan kaugnay sa pagkakasangkot niya sa illegal Philippine offshore gaming operations (POGOs)sa nasabing bayan.

Gayonman, hinihintay pa ng kampo ni Guo ang desisyon kung siya ay habangbuhay na diskuwalipikado mula sa public office.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, nanawagan si SenatorRisa Hontiveros sa mga mamamayan ng bansa na maging mapagbantay sa plano ni Guo na muling tumakbo sa susunod na halalan.

Kasabay nito, iminungkahi ni Hontiveros na pag-aralan ang mga umiiral na batas laban sa mga kandidato na nagsisinungaling sa kanilang kuwalipikasyon para sa public office.

Nakakulong ngayon si Guo na nagsilbing mayor ng Bamban mula June 30, 2022 hanggang sa kanyang dismissal noong August 13, 2024.