Inilipat si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo mula sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City sa Pasig City Jail.
Ayon sa PNP, mananatili si Guo o si Guo Hua Ping sa female dormitory sa Pasig City jail sa Barangay Pinagbuhatan matapos ang dalawang linggo na detention sa PNP Custodial Facility.
Una rito, sinabi ni Bureau of Jail Management and Penology spokesperson Jayrex Bustinera na ikukulong si Guo sa selda kasama ang 40 na iba pang babaeng detainees.
Si Guo, kasama ang iba ay nahaharap sa kasong qualified human trafficking na inihain ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group at Presidential Anti-Organized Crime Commission sa Department of Justice noong June 21.