Personal na nagtungo sa Department of Justice (DOJ) si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ngayong Miyerkules.
Ito ay upang ihain ang kaniyang counter affidavit sa patung-patong na reklamong inihain sa kanya ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), National Bureau of Investigation (NBI), at Bureau of Internal Revenue (NBI).
Kanina isinagawa ang paunang imbestigasyon sa reklamong tax evasion, falsification of public documents, at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ayon kay Atty. Nicole Hamilla, isa sa mga legal counsel ni Guo, laman ng kontra-salaysay ang depensa sa reklamong kinakaharap ng dating alkalde.
Tumanggi namang magbigay pahayag si Guo na mahigpit na bantay sarado ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sakay ng ambulansya.
Matapos ang preliminary investigation (PI) ngayong hapon, agad na ibinalik si Guo sa Pasig City Jail Dormitory kung saan siya nananatili dahil sa iba pang reklamo na may kaugnayan sa operasyon ng iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).