Nahaharap ang tinanggal na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo ng kasong tax evasion kaugnay sa kabiguan niya na magbayad ng P500,000 na buwis matapos na ibenta niya ang kanyang share sa kumpanya na iniuugnay sa Philippine offshore gaming operator (Pogo) complex na sinlakay ng mga otoridad noong March.
Ang hakbang laban kay Guo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ay iba pa sa criminal complaint na kanyang kinakaharap dahil sa human trafficking at standing warrant of arrest na inilabas ng Senado dahil sa kabiguan niya na fumalo sa mga pagdinig ukol sa Pogo.
Kabilang sa respondents sa BIR complaint ay sina Jack Uy at Rachel Carreon ng Baofu Land Development Inc., ang nakarehistrong may-ari ng 7.9-hectare property sa Bamban kung saan ipinatayo ang Pogo hub sa proteksion umano ng dating mayor na si Guo.
Si Uy ang tinukoy na bumili ng share ni Guo habang si Carreon ay kasama sa reklamo bilang secretary ng Baofu.