Tanging ang Barangay Alimannao na lang ang natitirang barangay na hindi pa drug cleared mula sa 24 na barangay sa bayan ng Peñablanca, Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Louella Tomas, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-RO2 na kasunod ito ng pagdedeklara sa anim na barangay at kabilang na sa naunang 17 barangay na drug cleared.

Ayon kay Tomas, mula noong November 2020 ay malinis na sa droga ang anim na Brgy na kinabibilangan ng Camasi, Centro, Dodan, Quibal, Parabba at Alibabag ngunit ngayong buwan lamang naibigay ang kanilang sertipikasyon dahil sa COVID-19 restrictions.

Umaasa naman si Tomas na maideklara na bilang Drug Cleared Municipality ang Peñablanca kasunod ng pagtutok sa Brgy Alimannao at pagsunod sa iba pang requirements.

Posible namang pasinayaan na ngayong buwan ang ‘Balay Silangan’ na itinayo ng LGU Peñablanca na magsisilbing pansamantalang tuluyan ng mga boluntaryong sumuko na mga personalidad na sangkot sa mga aktibidad ng iligal na droga habang sumasailalim ang mga ito sa repormasyon o pagbabagong buhay hanggang sa makabalik ang mga ito sa kanilang komunidad.

-- ADVERTISEMENT --