Naghahanap na ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng lugar na maaaring pagtayuan ng “all-women” fire station sa lambak ng Cagayan.

Ayon kay FCI Loreta Narag, chief operations officer ng BFP RO2 na kasalukuyan nang tumitingin ang fire department ng pilot municipality para sa planong pagtatayo ng fire station na bubuuin ng 15 miyembro ng mga babaeng fire officers.

Ang naturang plano aniya ay dahil sa nakitang kakayahan at determinasyon ng mga kababaihan na magsilbi sa bayan sa pamamagitan ng BFP.

Matatandaang una nang nakapagpatayo ang BFP ng ‘all female’ fire station sa National Capital Region.