Naaresto ng mga pulis ang isang 38 anyos na ama na wanted sa panggagahasa umano sa kanyang bunsong anak.
Natunton ang ama sa isang bahay sa San Jose del Monte, Bulacan matapos ang ilang buwang pagtatago.
Siya ay nahaharap sa kasong apat na bilang ng qualified statutory rape.
Ayon sa pulisya, nangyari umano ang panggagahasa noong 2021, kung saan sinundo ng tiyahin ang walong taong gulang na biktima para magbakasyon sa Bulacan kasama ang kanyang ama.
Sinabi ng pulisya na hiwalay ang mga magulang ng bata.
-- ADVERTISEMENT --
Ilang ulit umano na hinalay ng ama ang anak.
Nang malaman ng ina ang nangyari sa kanyang anak ay nagsampa siya ng kaso.
Nakakulong na ngayon ang ama sa Pasong Putik Police Station.