
Isang 42-anyos na guro ang nasugatan matapos barilin sa mukha ng sarili niyang 18-anyos na anak habang natutulog sa kanilang bahay sa Bantay, Ilocos Sur nitong Linggo ng umaga.
Ayon sa pulisya sa pangunguna ni Acting Bantay Police Chief Police Captain Donaldson Pagalanan, kusang sumuko ang suspek at inamin ang krimen. Giit nito, wala siya sa tamang pag-iisip at dumaranas ng personal na problema.
Narekober sa pinangyarihan ang isang kalibre .38 na baril. Posibleng maharap ang suspek sa kasong parricide.
Patuloy namang nagpapagaling ang biktima matapos magtamo ng tama ng bala sa mukha.
Nanawagan ang pulisya para sa mas bukas na komunikasyon sa loob ng pamilya upang maiwasan ang ganitong uri ng insidente.
-- ADVERTISEMENT --










