Ligtas na sa panganib ang isang anak na sugatan matapos barilin ng sariling ama sa Brgy. Alabiao, Tuao, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Ferdinand Gammayao, 25-anyos habang ang suspek na ama ay si Genaro gammayao, 62-anyos, kapwa laborer at residente sa nasabing lugar.

Ayon kay PLT Bernard Guya ng PNP Tuao na positibo sa alak ang suspek nang komprontahin nito ang kanyang anak, bandang alas 10:45 ng gabi noong Sabado.

Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa nang sitahin ng suspek ang kanyang anak sa pagpapakain ng kanilang alagang hayop, gayong napakain niya na ito.

Dahil sa galit ng suspek at hindi nagustuhan ang pagsagot sa kanya ng kanyang anak ay kinuha ang kanyang improvised na cal.45 na baril at ipinutok sa leeg ng anak.

-- ADVERTISEMENT --

Kaagad namang nadala sa district hospital ang biktima at kalaunan ay inilipat sa Tuguegarao City na kailangang maoperahan sa tinamo nitong isang tama ng baril.

Sa follow up operation ay nadakip ang suspek na nasa kustodiya ng pulisya at maging ang nakumpiskang improvised na baril habang inihahanda na ang kasong Frustrated Parricide at Paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na isasampa laban sa kanya.