Kinumpirma ng US Central Command ang pagkamatay ng anim na miyembro ng crew ng US military refuelling aircraft matapos na bumagsak sa Iraq.

Ayon sa US, nakita na ang apat sa mga namatay.

Sinabi ng Centcom na hindi sangkot sa insidente ang hostile o friendly fire sa pagbagsak ng KC-135 aircraft noong Huwebes.

Kasama ang tanker sa kasalukuyang US operations laban sa Iran at isa sa dalawang aircraft na sangkot sa insidente, kung saan ligtas na nakalapag ang isa.

May kakayahan ang nasabing eroplano na mag-refuel sa mga eroplano sa himpapawid at may mahalagang papel sa US military operations.

-- ADVERTISEMENT --

Ginagamit ang mga ito sa unang Gulf war para mapalawig ang range ng fighter jets at bombers.

Sinabi ng Centcom na may isinasagawa nang imbestigasyon sa insidente.

Nagpadala na rin sila ng rescue team para mahanap ang dalawa pang crew members.

Dahil dito, umaabot na sa 13 sundalo ng US ang namatay sa US-Israel war sa Iran.

Ayon sa US military, umaabot na rin sa apat na aircraft ang nasira dahil sa giyera.