Nalason umano ng cyanide ang anim na katao na namatay sa isang mamahaling hotel sa Thailand.
Ayon sa mga pulis, ito ay matapos na matuklasan na may halong cyanide ang ibinigay sa inumin sa mga biktima.
Ang hinala ng mga pulis, na ang isa sa mga namatay ang nasa likod ng paglason at ito ay bunsod ng malaking pagkakautang.
Nakita ng mga housekeeper ang anim na namatay sa Grand Hyatt Erawan Hotel sa Bangkok kahapon.
Batay sa imbestigasyon, ang dalawa sa anim ay nag-loan ng milyong-milyong Thai baht sa isa sa namatay para sa investment.
Sa isang press conference, sinabi ni Deputy Bangkok police chief Gen Noppassin Poonsawat na pumasok ang mga ito sa isang hotel sa magkakahiwalay na limang silid, isa sa ikapitong palapag at isa sa ikalimang palapag.
Noong Lunes, nagsamasama ang mga ito sa isang kuwarto sa ikalimang palapag.
Dalawa sa mga biktima na sina Sherine Chong, 56 anyos, at Dang Hung Van, 55, ay kapwa American Citizen.
Ang apat na iba pay pawang Vietnamese nationals.
Nag-order ang mga ito ng pagkain at tsaa na tinanggap ni Chong.
Ayon sa deputy police chief, nag-alok ang waiter na siya na ang gagawa ng kanilang tsaa subalit tinanggihan ito ni Chong.
Sinabi pa ng pulisya na walang senyales ng pagnanakaw sa insidente.
Kasunod nito ay nakita nila na may latak ng cyanide sa anim na tasa ng tsaa.