
Sinibak ang anim na tauhan ng Malate Police Station 9 sa Maynila kasama ang station commander na nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit kasunod ng umano’y robbery na kinasangkutan ng anim na pulis-Maynila sa Makati City.
Hinuli ang mga nasabing pulis ng Makati Police sa pamamagitan ng hotline pursuit operation dahil sa umano’y pagkakasangkot sa holdapan.
Ayon kay MPD spokesperson at PIO chief Major Philippine Ines, ang isinasagawang parallel investigation ay upang malaman ang totoong nangyari.
Nangyari umano ang panghoholdap ng anim na pulis-Maynila sa Arsonbel Street, Barangay San Isidro, Makati City, alas 7:48 kagabi.
Ayon sa mga biktima, nakatagpo nila ang dalawang babae sa Malate, Manila, at dinala sila sa Arsonbel upang kunin ang mga gamit ng mga babae.
Pagdating sa lugar, biglang may grupo ng mga armadong lalaki na nagtuturo ng baril, at pinilit ang mga biktima na itaas ang kanilang mga kamay at sapilitang kinuha ang kanilang mga gamit.
Matapos ang insidente, saka umalis ang mga pulis sakay ng kanilang mga motorsiklo.










