Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng banggaan ng isang multican at bus sa Ragay, Camarines Sur kagabi, kung saan anim ang nasawi.

Sinabi ng pulisya na pawang kawani ng Lupi local government ang mga biktima.

Mag-a-outing umano ang mga biktima nang makasalpukan nila sa Andaya highway ang bus na galing naman sa Maynila.

Nawasak ang multicab habang nagtamo rin ng matinding pinsala ang bus.