Bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho noong Pebrero 2026, batay sa latest record ng Philippine Statistics Authority (PSA)

Ayon sa PSA nasa 2.66 milyon ang walang trabaho noong Pebrero 2026, mas mababa sa 2.96 milyon noong Enero 2026, pero mas mataas sa 1.94 mil­yon noong 2025.

Sabi ng PSA, tumaas ang bilang ng mga Filipino na edad 15 anyos pataas na naghahanap ng alinmang trabaho at pumalo sa 52.09 milyon mula sa 50.89 milyon noong Ene­ro 2026 at 51.09 milyon noong Pebrero 2025.

Sa kabuuang 994,000 na Pinoy na nadagdag sa labor force noong Pebrero, 271,000 ang nabigyan ng trabaho, habang 724,000 ang nanatiling walang trabaho.

Dahil dito, umabot sa 5.1% ang unemployment rate noong Pebrero—mas mababa kaysa 5.8% noong nakaraang buwan ngunit mas mataas kumpara sa 3.8% noong Pebrero 2025.

-- ADVERTISEMENT --