Naglabas ng mabibigat na pahayag ni Anne Curtis sa kanyang social meadi tungkol sa issue kay Quezon City Representative Bong Suntay.

Sinabi ng aktres na nanahimik muna siya dahil sa pinagtuunan niya ng pansin ang reunion sa kanyang pamilya, na na-stranded sa Middle East.

Ayon sa kanya, ngayon ay nakabalik na siya ng bansa ay panahon na rin para magsalita siya tungkol sa nasabing usapin, hindi para gumanti o drama, subalit ito ay ang kanyang panahimik ay mali para sa kanya at sa iba pang kababaihan na nakapanood at nakarinig ng kanyang mga sinabi sa deliberasyon sa impeachment complaints laban ay Vice President Sara Duterte.

Kasabay ng kanyang pagkondena sa mga sinabi ni Suntay, tinawag din niyang “vulgar and sexualized” ang analogy ng mambabatas.

Binigyang-diin pa ni Curtis na nasaktan at galit siya sa mga sinabi ni Suntay.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Curtis, hindi katanggap-tanggap na para sa isang public official na magsabi ng malaswa laban sa isang babae.

Dahil dito, hindi tinanggap ni Curtis ang paumahin ni Suntay, subalit tinanggap naman ang apology ng kanyang asawa.

Idinagdag pa ni Curtis na ang insidente ay nagpapakita ng mas malaking issue ng sexism na patuloy na kinakaharap ng mga kababaihan.

Nanawagan din siya sa mga awtoridad na tignan ang nasabing usapin, at umaasa siya na hindi ito palalampasin ng House ethics committee.

Sinabi pa niya na himihingi na siya ng legal advice at ikokonsidera ang mga options laban kay Suntay.

Matatandaan na sa proceedings sa impeachment complaints laban kay Duterte, sinabi ni Suntay ang kanyang pagnanasa kay Curtis at ginamit niyang analogy sa pagdepensa sa pangalawang pangulo.