Ang Nipah virus (NiV) ay isang bihira pero napakadelikadong virus na nagdudulot ng malubhang sakit sa utak (encephalitis) at problema sa paghinga.

Mataas ang fatality rate nito kumpara sa karamihan ng viral infections.
Ano ang pinanggagalingan nito?
Natural host: fruit bats (flying foxes)
Naipapasa sa tao sa pamamagitan ng:
Direktang kontak sa paniki o hayop (lalo na baboy) na infected
Pagkain o pag-inom ng kontaminadong prutas o katas (hal. hilaw na date palm sap sa ibang bansa)
Tao-sa-tao na transmission sa close contact (alaga, healthcare settings)
Mga sintomas
Lagnat, sakit ng ulo, pagsusuka
Pagkahilo, antok, pagkalito
Maaaring mauwi sa seizures, coma, at kamatayan sa loob ng ilang araw
Wala pang bakuna para labanan ang nasabing virus

Ayon sa World Health Organization, ang NiV ay isang zoonotic virus na maaaring maipasa mula sa kontaminadong pagkain o sa pagitan ng mga tao.

Sa Pilipinas, iniulat ng WHO na ilang uri ng paniki ang napag-alamang at risk sa NiV infection.

Ang iba pang mga hayop, gaya ng mga baboy at kabayo, ay maaari ding mahawahan ng NiV.

-- ADVERTISEMENT --

Unang naitala sa Malaysia noong 1999 at Bangladesh noong 2001, ang virus ay maaaring magdulot ng iba’t ibang uri ng sakit mula sa asymptomatic (subclinical) infection hanggang sa acute respiratory illness at nakamamatay na encephalitis, pati na rin ang malubhang sakit sa mga hayop.

Halos taun-taon na mga ourbreak ang naiulat sa Bangladesh mula 2001, at natukoy din sa silangang India.

Pinaka-karaniwang pinagmumulan ng NiV ang fruit bats, at puwede ring mahawaan ang mga alagang hayop.

Inihayag ng Department of Health na handa ang Pilipinas para sa Nipah virus, na hindi na umano bagong sakit na iniulat kamakailan na nagkaroon ng outbreak sa West Bengal, India.

Sinabi ni DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo na naitala na ang Nipah virus noong 2014 sa Sultan Kudarat, at nagkaroon ng 17 kaso.

Idinagdag niya na wala nang NiV sa bansa matapos ang 2014 pero patuloy itong minomonitor ng DOH sa pamamagitan ng Epidemiology Bureau.

Samantala, sinabi ng DOH na patuloy nilang minomonitor at pinoprotektahan ang bansa mula sa Nipah virus.