Patay ang apat na magkakaanak sa isang balon sa Barangay Tiayon, Ipil, Zamboanga Sibugay.
Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, pumasok ang isa sa mga biktima sa loob ng balon para kunin ang martilyo at pait na matagal na sa nasabing balon, subalit nakuryente siya at nakabitaw siya sa pagkakahawak niya sa tali na dahilan ng kanyang pagkahulog sa 28 talampakan na lalim ng balon.
Sinubukan ng tatlong miyembro ng pamilya na iligtas ang kanilang kaanak subalit maging sila ay nalunod.
Sa pagsisiyat ng Bureau of Fire Protection (BFP), na silang kumuha sa mga biktima, nakita nila na may nakalubog na pump o bomba sa balon.
Sinabi ng BFP na posibleng may ground fault issue ang bomba kaya nakuryente ang mga biktima.
-- ADVERTISEMENT --