Naaresto ng kapulisan ng Cagayan ang limang wanted persons sa magkakaibang lugar kahapon.

Unang nahuli ang number 5 wanted person sa provincial level na si alyas Ferdy, isang Child in Conflict with the Law sa bayan ng Baggao.

Inaresto si alyas Ferdy batay sa Order to Take Custody, kung saan siya ay inakusahan ng statutory rape at walang itinakdang piyansa.

Siya ngayon ay nasa kustodiya ng Baggao Police Station para sa documentation bago siya ipasakamay sa kinauukulang korte.

Sumunod na naaresto si alyas Joseph, 31-anyos, tricycle driver sa Tuao na may kasong grave threat na may itinakdang piyansa na P36,000 ,habang pangatlo naman si alyas Jopet, 66-anyos, ng bayan ng Camalaniugan dahil sa kasong Falsification of Public Documents, at kailangang maglagak ng piyansa na P12,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

-- ADVERTISEMENT --

Inaresto naman si alyas Tonyo, 25-anyos, tubong Negros Oriental, ng Tuguegarao Component City Police habang kumukuha siya ng National Police Clearance.

Nalaman ng PNP Tuguegarao na may standing warrast of arrest si Tonyo dahil sa kasong attempted homicide na isinampa sa Tanjay City, Negros Oriental.