Tinanggihan ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber ang apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na huwag isama ang dalawang judge sa pagsasagawa ng ruling sa hurisdiksion ng tribunal sa kanyang kasong crimes against humanity.

Sa apat na pahinang kautusan, ipinunto ng chamber na ang pag-alis sa isang judge ay dapat na ang pinatutungkulan na judge ang hihiling sa Presidency.

Nakasaad na ang posibilidad ng nasabing tao para sabihin o hilingin sa judges na makakuha ng excusal sa Presidency ay hindi kumakatawan sa statury text.

Inihain ng defense team ang apela noong May 1, habang naghain naman ng kanilang opposition ang prosecution noong May 5.

Nasa kustodiya ng ICC sa The Hague, Netherlands si Duterte.

-- ADVERTISEMENT --

Isasagawa ang confirmation of charges sa September 23, 2025.