Ibinasura ng hukom ang apela ni Hollywood actor Alec Baldwin na ibasura ang involuntary manslaughter charge laban sa kanya na nangyari sa shooting ng kanilang pelikula na Rust.
Ang desisyon ay dalawang linggo bago ang nakatakdang pagharap ng aktor sa paglilitis sa Mexico sa pangyayari noong 2021 na ikinamatay ng cinematographer ng pelikula na si Halyna Hutchins, 42 years old.
Sinabi ni New Mexico District Court Judge Mary Marlowe Sommer na kailangan na maresolba ang ang kaso sa paglilitis.
Nakatakda ng paglilitis sa July 9.
Matatandaan na hawak ni Baldwin ang isang prop gun na pinaputok sa scene rehearsal sa set ng pelikula sa Bonanza City, New Mexico noong October 21, 2021 na ikinamatay na Hutchins at nasugatan ang director na si Joel Souza.
Hinatulan noong buwan ng Abril na makulong ng 18 buwan ang armorer nga pelikula na si Hannah Gutierrez-Reed matapos na mapatunayan na guilty sa kaparehong kaso ni Baldwin na involuntary manslaughter.
Sa nakalipas na dalawa at kalahating taon, iginigiit ni Baldwin na hindi niya kinalabit ang gatilyo ng baril at wala umano siyang kinalaman sa pagkakalagay ng totoong bala sa prop gun sa set ng pelikula.