Dinagsa ng mga mall goers ang tatoo artist mula Buscalan, Kalinga na kinatawan ni Apo Wang Od sa isinagawang InkCagayan Tattoo Expo sa napapatuloy na selebrasyon ng ika-441 Aggao Nac Cagayan.

Hindi aniya nakabiyahe ang traditional tatoo artist na si Apo Wang Od dahil sa hindi na nito kayang bumiyahe ng malayo.

Gamit ang tinik ng pomelo at uling ay ipinakita ng mga kabataang mambabatok ang minanang talento at istilo sa pagpipinta.

Ayon sa isa sa apo ng matandang mambabatok na si Lalyn Luis, ang mga disenyo nila sa pagtatatoo ay hindi lamang pandekorasyon kundi may malalim na kahulugan at kadalasang nagpapakita ng mga mithiin, pananampalataya, at kwento ng mga taong namuhay noon na nagsisilbing simbolo ng pagkakakilanlan at koneksyon sa kanilang kultura at tradisyon.

Kabilang naman sa mga sikat na pina-tatoo ng karamihan ay ang 3-dot signature ng sikat na mambabatok.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabuuan umabot sa 32 Tattoo Artist ang nakibahagi para sa naturang aktibidad.