Inilipat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.ang special nonworking day na Ninoy Aquino Day mula August 21 sa August 23, o araw ng Biyernes upang magkaroon ng apat na araw na weekend na may layunin na palakasin ang local tourism.
Ito ay sa bise ng Proclamation No. 665 na nagtatakda sa paggunita sa pagkamatay ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. dalawang araw pagkatapos ng araw ng assassination sa kanya sa dati ay Manila International Airport (MIA) noong 1983.
Sinabi ni Marcos na ang nasabing hakbang ay upang magkaroon ng mas mahabang weekend para maisulong ang domestic tourism.
Subalit, iginiit ni Marscos na ang mahalagang kasaysayan ng Ninoy Aquino Day ay mananatili.
Ang pagpatay kay Aquino, ang matinding kritiko ng ama ni Pangulong Marcos na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., noong August 21, 1983 ang ikinokonsidera na simula ng pagtatapos ng panahon ng diktadurya sa bansa.